May bagyo ma't, may rilim
Ang ola'y, titiguisin,
Aco'y, magpipilit din:
Acquing paglalacbayin
Toloyin cong hanapin
Dios na ama namin.
Cun di man magupiling
Tocsong mabaomabaoin,
Aco'y, mangangahas din:
Itong libro'y, basahin,
At dito co hahangoin
Acquing sasandatahin.
Cun dati mang nabulag
Aco'y, pasasalamat,
Na ito ang liunag
Dios ang nagpahayag
Sa Padreng bagsiulat
Nitong mabuting sulat.
Naguiua ma't, nabagbag
Daloyong matataas,
Aco'y magsusumicad
Babagohin ang lacas;
Dito rin hahaguilap
Timbulang icaligtas.
Cun lompo ma't, cun pilay
Anong di icahacbang
Naito ang aacay
Magtuturo nang daan:
Toncod ay inilaan
Sucat pagcatibayan.
http://tagaloglang.com/Philippine-Literature/Tagalog-Poems/may-bagyo-mat-rilim.html
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteThis poem reflects the problems in our life. It says that in every problems in our life there are also a solutions for it. And the most powerful weapon for all our problems is our faith in God.
ReplyDelete